Tao Ako. Napapagod.

6:04 AM

Nilalamig ako. Malungkot. Hindi masaya.

Bigla akong napagod. Naitanong ko bigla sa sarili ko, "Paano na ako?"

Hindi ko maipagkakaila na masaya at magaan sa damdamin ang nakakatulong. Pero minsan, kahit libre ang bagay, naghahanap pa rin tayo ng sukli at diskwento. Nasasaktan din tayo, sa mga bagay na bukal nating ginawa ngunit tayo'y binabale wala.

Ayaw kong mapagod. Pero pwede kahit ngayon lang? Bukas. Babalik ang sigla. Maganda din na may preno na tayo, kung sakasakali'y nasasakal na natin sila sa ating ginagawa.

Ayaw kong masaktan, pero mas ayaw kong makasakit. Kung pagmamalasakit hindi maitawid, sana'y huwag manakit.

Ayaw kong bumigay. Pero pwede kahit ngayon lang? Tao din naman ako, may damdamin. Siguro, maiintindihan niyo din kung kayo'y nasa katayuan ko.


Hindi po ako superhero. Di ko kayang tugunan lahat ng inyong kagustuhan. Hindi ko kayang malaman at alamin lahat ng nasa puso't isipan niyo. Sana'y maunawaan niyo, karaniwang tao lang po ako.

You Might Also Like

0 comments